^

PSN Palaro

Mamiit, umusad sa finals vs Thai

-
Tila magkakaroon ng katuparan ang mithiin ng Philippine tennis team na maibsan ang 14 na taong pagka-uhaw sa gintong medalya nang humakbang sa finals si Fil-Am Cecil Mamiit sa men’s singles ng 23rd SEA Games tennis event sa Rizal Memorial Tennis Center.

Bagamat dumaan sa butas ng karayom, nalusutan ni Mamiit, rank 211 sa mundo, si 4th seed Prima Simpatiaji ng Indonesia, 7-6 (2), 7-6 (4) sa semifinals kahapon.

Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte ang kababayan at kapwa niya Fil-Am na si Eric Taino na yumukod kay top seed at defending champion Danai Udomchoke ng Thailand, 7-6 (5) 6-4 sa naunang singles match.

Ipinakita ng World’s 129th player na si Udomchoke ang kanyang tikas sa paglalaro nang mula sa 2-5 paghahabol sa unang set at nakuha pa nito ang panalo.

Kapag sinuwerte, si Mamiit ang unang men’s singles champion sa SEAG makalipas ang mahabang panahon sapul nang huli itong napagwagian ni Felix Barrientos noong 1991 Manila SEA Games.

Bukas ng alas-3 nakatakda ang finals sa men’s singles. (Sarie Francisco)

BAGAMAT

BUKAS

DANAI UDOMCHOKE

ERIC TAINO

FELIX BARRIENTOS

FIL-AM CECIL MAMIIT

MAMIIT

PRIMA SIMPATIAJI

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SARIE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with