^

PSN Palaro

RP paddlers, sumagwan ng 3 golds

-
Naging produktibo na naman ang Pinas sa La Mesa Dam nang ma-sweep ng traditional boat athletes ang tatlong gintong nakataya kahapon para sa eksplosibong simula ng kanilang kampanya sa 23rd Southeast Asian Games.

Sinagwan ng RP paddlers ang ginto mula sa men’s 10 aside at 20 aside 1,000meter na pinarisan naman ng kanilang women’s counterpart sa women’s 10-aside 1,000 meter upang higitan sa unang araw  pa lamang ang kanilang isang ginto at isang bronze na produksiyon sa 2001 Vietnam Games.

Tinalo ng mga men’s traditional boat racers ang Indonesia sa dalawang event habang naungusan naman ng mga RP lady paddlers ang Myanmar para sa gintong medalya.

Kasama sa men’s traditional boat team ay sina Suhod Hakim, Ruberto Sabijon, Jun Rey Dayumat, Manuel Maya, Ric Nacional, Ricardo Toyay, Cresanto Pabulayan, Ricky Sardena, Harland Baraquero, Ronald Tan, Perlito Idorot, Andres Manongsong, Norman Bacus, Jesus Asok at Rommel Dionio na suportado ng San Miguel Beer Corporation.

Ang bumubuo naman ng women’s team ay sina Mirasol Abad, Jinky Agustin, Marietta Alba, Aming Anuddon, Gerraldine Bernardo, Gunelyn Denung, Stephanie Deriada, Miocelle Gabiligno, Tracy Galac, Angelen Hopelos, Maridel Manahan, Alejandra Orola, Ma. Ailene Padrones, Rosalyn Tordilla at Roditha Poralan.

Inaasahang madadagdagan pa ang produksiyon ng mga traditional boat racers sa mga natitirang events na men’s 20A-side (500-m) at 10A-side (500-m) at sa women’s 10A-side (500-m).

"Pipilitin namin pang madagdagan ‘yung gintong medalya natin. And I think mas maganda ang tsansa kasi malakas ‘yung team natin sa 500-m," sabi ni dragon boat association secretary-general Nestor Ilagan na malaki ang pasasalamat sa ‘god-father’ na San Miguel Beer, na nagtalaga kay basketball star Samboy Lim bilang team manager.

Nagsumite ang men’s team ng tiyempong 3-minutes, at 37.16 segundo na mas mabilis lamang ng .31 of a second sa silver medalists na Indonesia at mahigit isang minuto sa Myanmar na naka-bronze sa 20 aside.

Tinalo naman ng RP paddlers na nagsumite ng 3:55.47 minuto ang Indonesia sa 10-aside ng mahigit dalawang segundo habang ang Myanmar ay nagsumite ng 4.06.22 para sa bronze. (CVOchoa)

vuukle comment

AILENE PADRONES

ALEJANDRA OROLA

AMING ANUDDON

ANDRES MANONGSONG

ANGELEN HOPELOS

CRESANTO PABULAYAN

GERRALDINE BERNARDO

GUNELYN DENUNG

HARLAND BARAQUERO

MYANMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with