Molina unang individual triple gold medalist

LOS BAÑOS, Laguna – Umalingawngaw sa palibot ng Trace Aquatic Center ang Pambansang Awit nang tanghaling kauna-unahang triple gold medalist sa indidivual event ang Fil-Am swimmer na si Miguel Molina makaraang languyin ang kanyang ikatlong medalya sa 23rd swimming competition at maibasan ang ilang araw na pagkauhaw sa gintong medalya.

Nilangoy ni Molina ang gold sa 200M breaststroke freeastyle sa record-breaking na 2:16.88 segundo.

Ang dalawang unang gold ni Molina, na estudiyante na University of Georgia sa Berkley, ay mula sa 200M IM at 400M IM.

Samantala, sinisid naman ni Miguel Mendoza ang gintong medalya sa 1,500m freestyle para sa ikalawang gold ng RP tankers.

Si Mendoza, University of Georgia ay naorasan ng 15:47.36 at matagumpay na mabura ang marka niya na 15:49:55 na inilsta. Pinaka-importante sa tagumpay ni Molina ay ang pagtatakda ng sariling record na kanyang isinulat sa World Championships sa Montreal, Canada na 2:19.19 segundo.

Ikatlo at bronze medal naman si Ryan Arabejo. Naka-silver naman sina Fil-Ams Jacklyn Pangilinan at Erica Totten. (LJ Villena)

Show comments