RP archers umusad sa qfinals
December 2, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Malaki ang pag-asa na maka-sungkit ng gintong medalya ang Pinay archers para sa bansa makaraang makausad sa quarterfinal round ng Archery event sa 23rd Southeast Asian Games sa Remy Field dito.
Umusad sa quarterfinal round ng Womens (1-8) 70-meters Recurve sina RP team ace archers Rachel Anne Cabral at Jasmine Figueroa, bagamat hindi naman pinalad sina Catherine Analyn Santos at Edwina Delos Reyes.
Dumaan sa butas ng karayom si Cabral na muntik nang masilat ni Thai Surilak Suksamorn sa huling yugto ng eliminasyon bago panain ang 145-142, iskor habang si Figueroa naman ay nakakuha ng 133-puntos laban kay Chutinan Sakulcha (Thailand) na may 123-puntos.
Umusad din sa quarterfinal round sina Indonesian national bet Rina Dewi Puspita Sari na may 155 laban kay Can Thi Soan ng Vietnam na may 125 puntos.
Katulad din ni Sari ay umusad din sa quarterfinal round ang kanyang kababayan na si Gina Rahayu Sugiharti na inaasahan ng marami na makakaharap nina Cabral at Figueroa sa final Archery showdown sa Disyembre 4, 2005.
Samantala, sa kalalakihan, umusad din sa men s compound division sina Carlos Carag at Earl Benjamin Yap matapos magpakita ng gilas laban kina Arkhom Pannoi ng Thailand at Myo Aung San ng Myanmar.
Si Carag ay pumana ng 163-159 at si Yap ay 171 puntos laban kay Pannoi na may 165 puntos. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended