Humakot ng kabuuang 11 gold, 5 silver at 3 bronze medals ang mga Pinoy wushu artists upang ganap na tanghaling overall champion sa nasabing biennial meet.
"It was a very, very good showing by our athletes," sabi kahapon ni WFP president Julian Camacho. "I cannot ask for more from them sa ipinakita nilang performance in this 2005 Philippine SEA Games."
Malaking improvement sa kanilang performance sa Vietnam SEA Games noong 2003 kung saan humakot lamang sila ng 6 golds, 4 silvers at 5 bronzes sa likuran ng overall champion at host Vietnam.
"Talagang maganda ang naging training nila this time. Iyong ibang athletes natin, kagaya ni Pedro Quina, nagpunta sa China for a four-month training. I think that was a big contribution in our success," ani Camacho.
Kumana ng dalawang gintong medalya si Willy Wang sa mens jianshu at quangshu, dalawa din si Aida Yang sa womens daoshu at duilian at Vicky Ting sa womens jianshu at duilian events.
Ang iba pang gold medalist ay sina Arvin Ting (mens daoshu), Rene Catalan (mens sanshou 48kg.), Pedro Quina (mens nanquan), Edward Folayang (mens sanshou 79kg.) at Rhea May Rifani (womens sanshou 52kg.)
Tanging silver lamang ang nakayanan nina Kenneth Lim (mens taijijian at taijiquan), Rexel Ngan-hayna (mens sanshou 56kg.), Janice Hung (womens taijiquan) at Jennifer Laglilag (womens sanshou 45kg.)
Naka-bronze naman sina Ting sa mens changquan, Kenneth Lim sa mens taijiquan at Mark Eddiva sa mens sanshou 60kg. (Sarie Francisco)