Kapos man sa ginto, overall champ pa rin ang Pinoy jins
December 2, 2005 | 12:00am
Kinapos ang RP jins sa inaasahan sa kanilang 8-10 gold medals gayunpaman, itinuturing pa rin itong isang malaking tagumpay para sa taekwondo sa kasalukuyang 23rd Southeast Asian Games dahil naagaw nila ang overall title ng naturang sport mula sa Vietnam.
Muling naasahan ang mga Olympians na sina Donald David Geisler, Maria Antoinette Rivero at Tshomlee Go nang kanilang banderahan ang tagumpay ng RP taekwondo team nang kanilang ma-sweep ang apat na ginto sa unang araw ng kompetisyon noong Lunes kasama si Esther Marie Singson.
Ngunit matapos ang eksplosibong simula ng mga jins, naging matumal ang kanilang kampanya sa huling dalawang araw ng kompetisyon nang manalo lamang ng tig-isang ginto sina Kirstie Alain Alora at John Paul Lizardo.
Sa kabuuan, ang RP jins ay may anim na ginto, limang silver at isang bronze mula sa 16-gintong medalyang pinaglabanan sa naturang sports upang higitan ang kanilang 5-3-6 gold-silver-bronze na produksiyon sa nakaraang edisyon ng SEA Games sa Vietnam noong 2003.
Isinubi ni Geisler ang kanyang ikaapat na gintong medalya sa SEA Games matapos maghari sa mens flyweight habang nakopo naman ni Rivero ang kanyang ikalawang SEA Games gold.
Nadiskaril naman ang Vietnam Games gold medalists na sina Dax Morfe at Veronica Domingo nang magkasya lamang sila sa silver medals gayundin sina Alex Briones, Criselda Roxas at Loraine Lorelie Catalan na sumibak sa Thailand Olympic gold medalists na si Yaowapa Boorapolchai. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am