RP boxers nalagasan ng isa
December 2, 2005 | 12:00am
BACOLOD CITY Taglay ang malalim na karanasan at pagiging dating world champion at 2002 Busan Asian Games gold medalist, pinatalsik ng Thai na si Somjit Jongjohor sa kontensiyon ang isa sa pag-asa ng bansa para sa medalyang ginto na si Warlito Parrenas noong Huwebes nang kanya itong bugbugin sa boxing competitions ng 23rd Southeast Asian Games sa punumpunong La Salle Gymnasium dito.
Ngunit ang kabiguang ito ni Parrenas ay tinabunan ng panalo nina pinweight Juanito Magliquian, lightwelter Romeo Brin at middle Reynaldo Galido gayundin ang pinweight na si Alice Kate Aparri at bantam Jouvilet Chilem sa womens division.
Nangapa muna si Magliquian bago niya natalo ang defending champion na si Kaew Pangpayoon ng Thailand, habang nanalasa naman si Brin sa kalabang si Augn Thura ng Myanmar sa third round ng iposte ang 25-5 pangunguna at ipinagbunyi naman si Galido ng kanyang mga panatiko nang walang awang bugbugin ang Cambodian na si Ath Samreth.
Samantala, pinabagsak naman ni Aparri si Ranjana Thongtaisong ng Thailand, habang hiniya ni Chilem si Marivone Phisompttou ng Laos.
Sasabak si Brin para palakasin ang kanyang kampanya sa ginto kontra kay Pichai Sayotha ng Thailand, habang tangka rin ni Galido ang gold laban kay Suriya Prasathinpimai ng Thailand. (JM Marquez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended