4 gold nakalatag sa judo ngayon
December 1, 2005 | 12:00am
Matapos ang magigilas na showdown sa karatedo sa 23rd Southeast Asian Games, lilipat naman ang aksiyon sa judo kung saan apat na gintong medalya ang nakataya sa Mandaue City Sports and Cultural Complex.
Babanderahan ni multi-titled judoka John Baylon ang kampanya ng bansa pero bukas pa nakatakdang sumabak ang 6-time SEA Games champion sa -81 kgs. division.
Ngayong araw na ito, sasalang sina Tomohiko Hoshina sa t +100 kgs., Nancy Quillote in the -48 kgs., at Helen Dawa, na idedepensa ang kanyang -45 kgs. category title.
Kukumpleto sa 16-man RP judo team sa biennial meet na ito na nilahukan ng 11 bansa ay sina Franco Teves, Daniel Pedro, Aristotle Lucero, Gilbert Ramirez, Sidney Schwarzkopf, Elmarie Malasan, Rezil Rosalejos, Estie Gay Liwanen, Karen Ann Solomon, Ruth Dugaduga, at Erika Joy Ponciano.
May kabuuang 16 golds ang nakataya sa apat na araw na judo competition hanggang Disyembre 4.
Kumulekta ang Pinoy judokas ng tatlong ginto, tatlong silver at limang bronze sa 2003 Vietnam SEA Games. (Emmanuel Villaruel-The Freeman)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended