Philippines binatikos ng Vietnam at Thailand

Matapos ang masaganang dating ng gintong medalya sa Team Philippines sa apat na sunod na araw at kasalu-kuyang nasa overall leadership na may malaking kalamangan, sunod-sunod na batikos ang tinatanggap ng host-country mula sa mga mahihigpit na karibal na defending overall champion Vietnam at Thailand.

Kinuwestiyon ng Prime Minister ng Thailand na si Thaksin Shinawatra ang ‘fair scoring’ ayon sa newswebsite na nationmultimedia.com matapos bumagsak ang mga Thais sa ikatlong posisyon sa overall medal tally na may 19-29-35 gold-silver-bronze na produksiyon matapos ang unang tatlong araw na kom-petisyon.

"Prime Minister Thaksin did not accuse the Philippines of cheating, but in some sports where winning, or losing is at the mercy of fair scoring by the judges, it seems the host country is benefiting from such sports too frequently," ayon sa artikulo.

Sinabi rin sa naturang artikulo na posibleng  buksan ni Thaksin ang isyu sa Decem-ber summit ng Association of Southeast Asian Nations na gaganapin sa Malaysia dahil "greed in winning at all cost has overcome the fair play spirit which sports was meant to foster."

Iniulat naman ng Vietnam news website na thannien-news.com, na ang mga kaduda-dudang officiating at food poisoning ang humahad-lang sa kanilang kampanyang maidepensa ang overall title.

Ayon sa artikulo na pina-magatang ‘Sketchy officia-ting, food poisoning slow Vietnam at SEA Games 23’ natalo ang kanilang karatedo athlete na si Nguyen Hoang Ngan kahit malinaw na panalo ito sa kanyang match kontra sa kanyang Malaysian rival na siyang nagsubi ng gintong me-dalya.

 Apat na Vietnamese karatedo fighters naman na sina Bui Viet Bang, Mai Xuan Luong, Nguyen Ngoc Chung, at Nguyen Bao Linh ang tinamaan ng food poisoning matapos maghapunan sa kanilang hotel sa Crown Regency sa Cebu noong Sabado.

Hindi rin nasiyahan ang mga taekwondo team ng Vietnam matapos matalo ang kanilang Olympic medal winner na si Yaowapa Boorapolchai kay Loraine Lorelie Catalan na siyang nagsubi ng silver medal.

Bago magsimula ang kom-petisyon sa taekwondo sa Cuneta Astrodome, ipinakita ng mga Thais ang isang sign-board ng ‘Fair Games’ bago magsimula ang kompetisyon.

Marami na rin ang nagre-reklamo sa mabagal na dating ng mga resulta hindi lamang ang mga foreign media kundi pati na rin ang mga local media. (CVOchoa)

Show comments