^

PSN Palaro

Pinoy fencers tumusok uli ng gold

-
Naduplika na ng Philippine national fencing squad ang kanilang nagawa noong 2003 sa Vietnam.

Kagabi, tinuhog ng Nationals ang gold medal sa men’s epee team matapos talunin ang mga Thais, 44-42, sa fencing event ng 23rd Southeast Asian Games, sa San Juan Gymnasium. 

Ang nasabing panalo ang siyang pumantay sa naiuwing apat na gintong medalya ng Team Philippines noong 2003 SEA Games sa Vietnam.

Dinaig nina actor-sportsman Richard Gomez, Ave-lino Victorino, Jr., Armando Vernal at Wilfredo Viscayno, Jr., ang apatan nina Songphon Cheekwang, Siriroj Ratthaprasert, Supoj Chavalanarumit ng Thailand para sa matagumpay nilang pagdedepensa ng korona. 

Ang unang tatlong gold medals ay naihandog nina  Walbert Mendoza, Melly Joyce Angeles at Veena Tessa Nuestro.

Naidepensa ni Mendoza ang kanyang korona sa men’s individual foil, samantalang kinuha naman nina Angeles at Nuestro ang ginto sa women’s individual epee at foil event, ayon sa pagkakasunod. 

Dalawang silver medals ang naibigay naman nina Ramil Endriano sa men’s individual foil at Joanna Franquelli sa women’s individual saber.

Tatlong gold medals naman ang pag-aagawan ngayong hapon para sa men’s sabre at foil team at sa women’s sabre team. (Russell Cadayona)

ARMANDO VERNAL

JOANNA FRANQUELLI

MELLY JOYCE ANGELES

RAMIL ENDRIANO

RICHARD GOMEZ

RUSSELL CADAYONA

SAN JUAN GYMNASIUM

SIRIROJ RATTHAPRASERT

SONGPHON CHEEKWANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with