At hindi naman nabigo ang mga kababayang nagtungo dito nang ilampaso ng beteranong ATP Tour campaigner na si Mamiit si Zaw Zaw Lat ng Myanmar, 6-2, 6-1 upang umusad sa final eight ng mens singles sa 23rd Southeast Asian Games tennis event.
Naging magaan para sa Fil-Am netters ang kanyang panalo nang hindi masagot ng kanyang kalaban ang malulutong ng forehand shot.
Ang nakatakdang mabibigat na kalaban na makakaharap ni Mamiit para sa kanyang pagtu-hog sa gintong medalya ay ang top seed na Thai na si Danai Udomchoke at Indon fourth seed Prima Simpatiaji.
Hindi naman naging masuwerte ang Fil-Am lady player na si Riza Zalameda sa matatag na si Wynne Prakusya sa kanyang dominasyon dito at patalsik ang Pinay, 6-1, 6-2. Talo din ang isa pang Fil-Am na si Denise Dy na lumasap ng 4-6, 5-7 kabiguan sa kamay ng top seed Thai netter na si Suchanan Viratprasert. (Sarie Francisco)