^

PSN Palaro

3 golds sa wushu

-
Punum-puno at buo ang suporta ang binigay ng ating mga kababayan sa mga manlalaro ng wushu bukod pa sa inspi-rasyong ibinigay ni Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo, na bumisita at nanood ng laro.

Pinuno ng hiyawan at palakpakan ang buong lugar ng magsimula na ang engkwentro ng mga bansa at hindi naman binigo ng mga wushu players ang mga ito.

Tatlong gintong medal-ya ang nasungkit ng mga atletang Pinoy sa 23rd SEA Games wushu event na ginanap sa Emilio Agui-naldo Gym kahapon.

Namayani ang lakas ng mga Pilipino sa tatlong kategorya: Female divi-sion 52 kg. 48 kg. at 70 kg men’s division.

Sinungkit ni Rhea May Rifani ang gold sa (52kg), kasunod ng ginto nina Rene Catalan (48kg) at Edward Folayang(70 kg).

Bukod sa gold, nagbul-sa din ng silver ang mga wushu player na sina Jennifer Lagilag (45 kgs) at Rexel Nganhayna (58 kgs.)

Malalakas na atake at matatalinong estratehiya ng opensa at depensa ang pinakawalan ng mga manlalarong Pinoy para makamit ang minimithing ginto. Dahil dito karag-dagang medalya na naman ang nakamit ng ating magagaling na atleta.

Sa kabilang banda, Vietnam ang siyang mahigpit na katunggali ng Pilipinas.

Pinangunahan ni Pangulong Macapagal Arroyo ang pagpapa-rangal para sa mga nagwagi. Taas noong sinabitan ng Pangulo ang mga manlalarong nagbibi-gay karangalan sa kani-kanilang bansa. (Sarie Francisco)

EDWARD FOLAYANG

EMILIO AGUI

JENNIFER LAGILAG

PANGULONG GLORIA MACA

PANGULONG MACAPAGAL ARROYO

PINOY

RENE CATALAN

REXEL NGANHAYNA

RHEA MAY RIFANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with