Matapos ang natatanging gintong medalya noong Martes, dinagdagan ni Molina ang kanyang ginto makaraang langoyin ang 200M individual medley. Unang napagwagian ni Molina ang 400m IM.
Naunahan ni Molina, nag-aaral sa University of California sa Berkley, ang kalabang Thai na si Radomyos Matjiur at Singaporean Gary Tan Lee Yu. Naorasan ang Fil-Am swimmer sa bilis na dalawang minuto at 3.80 segundo.
Winasak din ni Molina ang kasalukuyang marka niya na 2:04.68 na kanyang itinala sa World Championship noong nakaraang Agosto at muntik na rin wasakin ang 2003 record ng Thai na si Ratapong Sirisanont.
Hindi naman naging masuwerte ang mga Pinay swimmers nang makuntento lamang ang Fil-Am mer-maid na si Jacklyn Pangilinan sa 100m breaststroke na binanderahan ni Singaporean Joscelin Yeo.
Bronze lang din si Timmy Chua sa 100m breas-stroke habang ang 4x100m freestyle relay nina Lizza Danila, Heidi Gem Ong, Erica Totten at Marichi Gandionco ay bronze lang din. (Lawrence John Villena)