Dominasyon ng Thai pugs winakasan na ng mga Pinoy
December 1, 2005 | 12:00am
BACOLOD CITY Tuluyan ng winasakan ng Philippine boxing team ang kampanya ng Thailand na mapana-tiling hawak ang overall championship sa ikat-long sunod na pagkaka-taon ng pabagsakin ni lightweight Genebert Basadre si Tun Dansa-mak noong Miyerkules sa punum-punong ma-nonood sa La Salle Gymnasium.
Ang panalo ni Ba-sadre, isa sa tatlong Pinoy boxers na umiskor ng impresibong panalo na kinabibilangan nina womens flyweight Annie Albania at mens feather-weight Joegen Ladon ay nakaseguro na ng bronze medal.
Naging mahigpitan ang palitan ng suntok ni Basadre at Dansamak sa kanilang apat na round na labanan, ngunit mas maraming suntok ang pinatama ng Filipino sa kanyang kalaban sa opening round pa lamang ng itala ang 7-4 pangunguna, ito ay muling sinundan ng tubong Cagayan de Oro ng sunod-sunod na suntok para talunin ang Thai pug sa iskor na 28-19.
"Medyo hirap ako sa labang ito," ani Basadre matapos na palakasin ang kampanya ng Philippine boxing team sa medal bout. Si Basadre ang ikalawang Pinoy pug na sumibak sa pambato ng Thailand matapos na maunang manalo si Harry Tañamor sa kalabang si Suban Pannon sa kan-yang debut noong Mar-tes.
Susunod na makaka-sagupa ni Basadre si Paunandes Bin Paulus ng Malaysia sa semifinals.
Samantala, makiki-paglaban naman si Kate Aparri kay Ranjana Thongtaisong sa pin-weight class, habang magsusuntukan naman sina Juanito Magliquian at defending champion Kaew Pangpayoon, habang titipanin ni Warlito Parrenas ang one-time world champion at 2002 Busan Asian Games gold medalist na si Somjit Jongjobnor sa flyweight division. (JMMarquez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended