Ferrer gold sa record-breaking performance
November 30, 2005 | 12:00am
Sa unang tatlong araw ng kompetisyon, ang ath-letics ang nagpapasimula ng paghakot ng gold medals ng Team Philippines sa kasa-lukuyang 23rd Southeast Asian Games.
Sa pormal na pagbubu-kas ng kompetisyon noong Linggo, inumpisahan ni Marestella Torres ang kam-panya ng RP athletes para sa kauna-unahang overall title sa biennial meet sa paglun-dag ng unang ginto ng Pinas sa womens long jump.
Sa ikalawang araw ng kompetisyon, binuksan naman ni Mercidita Manipol ang paghakot ng Pinoy athletes ng 20-golds nang kanyang makopo ang gintong medalya sa womens 10,000-meter run.
Ang magandang simula ni Manipol ay sinundan ng maningning na performance ni Henry Dagmil matapos itong magtala ng bagong SEA Games record para makopo ang ginto sa mens long jump.
Tinalon ni Dagmil ang 7.81 m upang burahin ang pitong taong SEA Games record na 7.79 metro ni Mohd Zaki Sadri ng Malaysia na kanyang naitala sa 1997 Jakarta SEA Games upang makabawi sa kanyang fourth place finish noong 2003 Vietnam Games.
Kahapon, sinimulan naman ni Arniel Ferrera ang umaga ng RP team sa pama-magitan ng isa na namang record breaking performace sa mens hammer throw upang dagdagan ang limang golds, apat na silver at dalawang bronzes ng RP athletics team matapos ang unang dalawang araw ng kompetisyon.
Ihinagis ni Ferrera ang hammer ng 60.47 metrong distansiya para higitan ang 12-taong record ng Malay-sian na si Wong-Tee Kue na kanyang naitala noong 1993 Singapore Games.
Sa anim na pukol ni Ferrera, na-break na niya ang SEA Games record sa ikala-wa, ikatlo at ikalimang pagta-tangka bago niya ibinuhos ang lahat ng kanyang pu-wersa sa ikaanim at huling attempt para maging unang hammer thrower na maka-abot ng 60-meter barrier.
Nakapaghatid din ng gintong medalya sina Danilo Fresnido sa mens javelin throw at Rene Herrera sa 3,000m steeplechase.
Nabigo naman sa ginto ang mga inaasahang sina Eduardo Buenavista (10,000 meter run) at John Lozada (800-m run) na nagkasya lamang sa bronze sa silver at bronze medal ayon sa pagkakasunod. (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended