5th gold sa taekwondo sinipa ni Alora
November 30, 2005 | 12:00am
Matapos ma-sweep ang apat na gold sa unang araw ng kompetisyon, siniguro ni Kirstie Elaine Alora na hindi mabobokya ang RP taekwondo team nang kanyang ihatid ang ikalimang ginto sa Cuneta Astro-dome kagabi sa pagpapatuloy ng 23rd Southeast Asian Games.
Dinomina ni Alora ang kanyang laban kontra kay Phonkeo Xayyavong ng Laos, 11-5 para sa referee stopped match sa kaagahan ng ikatlong round upang makopo ang ginto sa womens featherweight division para sa kanyang unang SEA Games gold.
Isang turning side kick ang ikinonekta ni Alora na siyang nagpabagsak sa Laotian sa mat para itigil ng referee ang laban para sundan ang panalo nina Olympians Donald David Geisler, Ma. Antoinette Rivero, Tshomlee Go at Esther Marie Singson kama-kalawa.
Sa anim na taekwondo jins na sumabak kahapon, tatlo lamang ang nakalusot na jins sa finals. Maliban kay Alora, nakikipaglaban para sa gold habang sinusulat ang balitang ito sina Alex Briones ng mens division ng welterweight class at si Criselda Roxas sa womens welterweight class.
Maagang nasibak sina Jeff Figueroa sa mens flyweight gayundin si Manuel Rivero Jr. sa mens featherweight class matapos mabigo sa kanilang unang match laban kina Din Thanh Long ng Vietnam, 6-7 at Taufic Krisna ng Indonesia, 2-all, sa referees decision, ayon sa pagkakasunod.
Nakarating sa finals si Alora matapos sibakin sina May Sandar Kyaw Win ng Myan-mar, 8-3 sa quarterfinals at Nguyen Thi Hoai Thu ng Vietnam, 5-2 sa semifinals.
Pumasok naman sa championship round si Roxas matapos igupo si Nguyen Thi Ngoc Tran ng Vietnam, 6-1 sa quarterfinals at Eka Sahara ng Indonesoa sa semis, 2-0 habang sinibak naman ni Briones sina Kai Meng ng Malaysia, 6-1 sa semis matapos makaraang maka-bye sa unang round. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended