36 ginto na ang Pinas

Matapos humakot ng 20-golds kamakalawa, matumal ang araw para sa Team Philippines ngu-nit pinakinang ng hammer thrower na si Arniel Ferrera ang kampanya ng mga Pinoy Athletes sa kanyang record breaking performance sa athletics event ng 23rd Southeast Asian Games kahapon.

Ihinagis ng 24-gulang na si Ferrera ang ‘ham-mer’ ng 60.47 metrong distansiya upang burahin ang 12-taon nang SEA Games record ng Malay-sian na si Wong-Tee Kue na kanyang naitala noong 1993 Singapore Games para simulan ng RP athletics squad ang pag-susubi ng ginto ng mga Pinoy tulad ng mga naunang araw nang ihatid ni long jumper Marestella Torres ang unang gold ng Pinas at ni Mercidita Mani-pol sa women’s 10,000m run kamakalawa.

Sa ikalawang bato pa lamang ay na-break na ni Ferrera ang  SEAG record sa kanyang 59.76m, gayundin sa ikatlo (59.48) at sa ikalimang (59.66) bago niya ibinuhos ang buong puwersa sa ikaanim at huling pagta-tangka sa kanyang impre-sibong record breaking per-formance sa Rizal Memorial Track Oval at maisubi ang kanyang ikalawang ginto sa 11-nation biennial meet na ito.

Sinundan naman ito ng gintong medalya ng pares nina Aida Yang at Vicky Ting sa duilian duel ng wushu competition sa Emilio Agui-naldo College Gym sa Taft Avenue Manila, cycling gold ni Marites Bitbit sa women’s cross country event sa Danao City sa Cebu at ng karateka bet na si Nelson Pacalso sa individual kumite ng karatedo competition sa Mandaue Coliseum sa Cebu.

Umiskor ang tambalang Yang at Ting ng 9.23 puntos upang kunin ang ginto sa Myanmar duo na sina Khaing Htwe at Swe Swe Thant, 9.18 para sa ikaapat na ginto ng mga wushu artists matapos ang tagumpay nina Willy Wang, Arvin Ting at Pedro Quina kamakalawa.

Matapos mabokya sa unang araw ng kompe-tisyon, inihatid naman ni Bitbit, unang ginto ng mga cyclist matapos itong magtala ng pinakamabilis na oras na 1-hour, 49-minutes at 54.91 segundo  para talunin sina Jirapon Jantharat ng Thai-land (1:53.40.90) at Nguyen Thanh Dam ng Vietnam (2:01.19.72) para sa silver at bronze ayon sa pagkaka-sunod.

Inihatid ni Pacalso ang ikalawang ginto ng karatedo nang kanyang makopo ang ginto sa 65-kgs. category upang sundan ang tagumpay ni Gretchen Malalad sa 60kgs. individual kumite ngu-nit nagkasya lamang ito sa bronze sa ind. kumite open category.

Bago magdilim, nag-pahabol ng tigalawang ginto ang fencing mula kina Wal-bert Mendoza at Weena Nuestro gayundin ang mga wrestlers na sina Jimmy Agana at Francis Villanueva.

Nakopo ni Mendoza ang kanyang ikatlong SEA Games gold matapos ang kanyang tagumpay sa men’s sabre habang naisubi naman ni Nuestro ang ginto sa women’s foil.

Isinubi naman ni Villa-nueva ang kanyang ikala-wang SEAG gold mata-pos magtagumpay sa 120kgs. habang dinomina naman ni Jimmy Agana ang 66kgs. division.

Sa kabuuang 57 golds na nakataya kahapon, 11 golds pa lamang ang napupulot ng Team Philippines habang sinusulat ang balitang ito ngunit patuloy nilang hinaha-wakan ang overall leader-ship sa taglay na 36-golds, 14-silvers at 22 bronzes.

Ang defending cham-pion overall champion na Vietnam ay mayroon pa lamang 17-18-22 gold-silver-bronze medals habang umakyat ang Malaysia sa third place na may 12-14-12 kasunod ang Thailand na may 11-16-23.

Ang iba pang nakapag-hatid ng ginto para sa Pinas ay si Ma. Cecilia Yap sa women’s long oil ng bowling competition sa Pearl Bowling Center sa Parañaque para sa kanyang kauna-unahang SEA Games gold upang makabawi sa kanyang silver medal finish nang huling idaos ang bowling com-petition noong 2001.

Nag-ambag din ng ginto si Juanito Angeles mula sa practical shot gun-semi ng shooting competition sa PSC-PNSA Range, Taguig at Jimar Aying sa men’s 400 meter run.

Show comments