Muling nabuo ang kumpiyansa ng 22 anyos na dating Bb. Pilipinas quarterfinalist na si Malalad upang gapiin si Jamallia Jamalludin sa pamamagitan ng tie-breaker at iuwi ang gold medal sa ikatlong pagkakataon sa 60-kgs. and below ng womens individual kumite sa Mandaue Sports Complex.
Makalipas ang ilang minuto, sinundan ito ng isa pang ginintuang performance ni Maria Marina Pabillore ng Cagayan de Oro na nagwagi sa womens individual kumite sa 53-kgs. and below.
Dikit ang naging laban nina defending champion Malalad at Jamalludin, na nagtapos sa magkatulad na 1-1 iskor sa regulation period. Ngunit ginamit ni Malalad, na nagsanay sa Europe, ang kanyang karanasan para maibulsa ang kanyang ikatlong SEA Games gold. Nagwagi din ito sa naturang event noong 2001 Kuala Lumpur Games at noong 2003 sa Vietnam.