^

PSN Palaro

2 ginto isinubi ng Pinay karatekas

-
MANDAUE CITY – Nakabangon ang magandang si Gretchen Malalad mula sa opening day na kabiguan nang humugot ng dalawang ginto at dalawang bronze ang Philippine karatekas sa 23rd Southeast Asian Games dito.

Muling nabuo ang kumpiyansa ng 22 anyos na dating Bb. Pilipinas quarterfinalist na si Malalad upang gapiin si Jamallia Jamalludin sa pamamagitan ng tie-breaker at iuwi ang gold medal sa ikatlong pagkakataon sa 60-kgs. and below ng women’s individual kumite sa Mandaue Sports Complex.

Makalipas ang ilang minuto, sinundan ito ng isa pang ginintuang performance ni Maria Marina Pabillore ng Cagayan de Oro na nagwagi sa women’s individual kumite sa 53-kgs. and below.

Dikit ang naging laban nina defending champion Malalad at Jamalludin, na nagtapos sa magkatulad na 1-1 iskor sa regulation period. Ngunit ginamit ni Malalad, na nagsanay sa Europe, ang kanyang karanasan para maibulsa ang kanyang ikatlong SEA Games gold. Nagwagi din ito sa naturang event noong 2001 Kuala Lumpur Games at noong 2003 sa Vietnam.

DIKIT

GRETCHEN MALALAD

JAMALLIA JAMALLUDIN

JAMALLUDIN

KUALA LUMPUR GAMES

MAKALIPAS

MALALAD

MANDAUE SPORTS COMPLEX

MARIA MARINA PABILLORE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with