^

PSN Palaro

Pinoy pugs bumanat agad

-
BACOLOD City – Maningning na sinimulan nina pinweight Juanito Magliquian at flyweight Warlito Parrenas ang kampanya ng Philippine boxing team matapos na umiskor ng impresibong panalo kagabi sa pagbubukas ng boxing event ng 23rd Southeast Asina Games dito.

Hindi na kinailangang pagpawisan ng todo ni Magliquian ng kanyang pataubin ang Cambodian na si Jen Dyaman, 19-4, habang binugbog naman ng husto ni Parrenas, mula sa Cadiz City si Nhothin Holapatiphone ng Laos, 26-6 na sinaksihan ng punumpunong manonood sa La Salle Gymnasium.

Isang malutong na suntok ang pinatama ni Magliquian sa kalabang si Dyaman sa ulo at katawan na nagresulta ng standing eight-count sa 45 segundo ng lamang ng kanilang four-rounder bout kung saan abante ang Pinoy sa iskor na 10-0.

At ang maningning na performance na ito ni Magliquian ay tinapos lamang ng 64 segundo na nagpalakas na kanyang tsansa para sa ginto kung saan ang mahigpit niyang karibal ay ang Thai na si Keanus Pangpayon na nanalo naman sa kalabang si Mohd Nazri Bin Yusof ng Malaysia, 23-7.

Samantala, dalawang miyembro ng women’s team--sina pinweight Alice Kate Aparri at flyweight Annie Albania ang pumares sa tagumpay ng men’s side.

Sinalanta ni Aparri si Lo Thuy Nam ng Vietnam, habang nanaig naman si Albania kay Juthap Chusang ng Thailand sa second round. (JMMarquez)

ALICE KATE APARRI

ANNIE ALBANIA

CADIZ CITY

JEN DYAMAN

JUANITO MAGLIQUIAN

JUTHAP CHUSANG

KEANUS PANGPAYON

LA SALLE GYMNASIUM

LO THUY NAM

MAGLIQUIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with