Archers, nababahala sa lakas ng hangin
November 29, 2005 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Ikinabahala ng maraming atletang kalahok sa Archery ang tuloy-tuloy na hampas ng malakas na hangin dito sa Subic Freeport maliban sa mga Pinoy archers na may kasanayan ng tumumbok sa target habang nararanasan ang klima, kasabay ang kahandaan ng buong RP team archers sa qualifying round ng SEA Games archery event ngayong araw na ito.
Sa official practice at equipment inspection kahapon sa Remy Field, wala sa kani-kanilang konsentrasyon ang mga archers mula sa bansang Vietnam, Myanmar, Singapore, Thailand, Brunei at Indonesia sa pagsipat sa target board bunga ng malakas na paghampas ng hangin.
Nakitaan ng pagkadismaya sa opisyal na pagsasanay ang dalawang pambato ng Indonesia na sina Gina Rahayu (8C) at Rina Dewi Puspita Sari (7C) dahil kapwa wala ang mga ito sa konsentrasyong umasinta habang nararanasan ang paghampas ng hangin mula sa Silangan.
Si Sari ang defending gold medalist sa Archery sa ginanap na Southeast Asian Games sa Vietnam noong nakaraang 2003 matapos talunin nito si RP ace archer Jasmine Figueroa (1B).
Subalit may bumabalot na kontrobersyal sa naganap na pagkapanalo ni Sari noon sa 2003 SEA Games sa pagitan nina Figueroa dahil sinasabing habang tumutumbok ang Pinay archer sa final round ay bigla umanong bumahing ng malakas ang Indonesian bet bagay na pinaghinalaang sinadya ito kung kayat malayo ang tama ng kanyang palaso sa target board.
Lihim namang ikinatuwa ni Figueroa at ng ikalawang pambato ng bansa na si Rachel Cabral (4B) ang pagkabahala nina Rahayu at Sari sa official practice dahil sa malaki ang tsansang pumasok ang ilang kababaihang archers sa naturang qualifying round dahil umano sa kasanayan ng mga ito na tumumbok ng bulls eye habang malakas ang hampas ng hangin kahit na sa pinakamalayong agwat pa ng target.
Sa panayam ng PSN kay Cabral, sinabi nito na sa kabila ng nararanasang klima ay sanay na umano sila sa pagtarget at hindi sila nababahala kina Rahayu at Sari sa kumpetisyon at malaki ang kumpiyansa nila na manalo sa final round.
Ayon naman kay Eddie Ordilla, weather specialist 2 ng PAGASA, ang dahilan ng malakas na paghampas ng hangin ay bunga ng tinatawag na "easterly wave" na may lakas na 20 hanggang 25 knots na inaasahang magtatagal hanggang Disyembre. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended