^

PSN Palaro

Dagmil sumira ng record para sa gold

-
Sinimulan ni Marcedita Manipol ang paghakot ng RP athletes ng ginto nang kanyang ideliver ang unang RP gold sa ikalawang araw ng komptisyon sa kanyang tagumpay sa women’s 10,000meter run 23rd Southeast Asian Games, .

Gayunpaman, ang araw ay para kay Henry Dagmil na nagtala ng bagong record sa men’s long jump sa kanyang nilundag na 7.81 metro upang ilampaso ang kanyang mga kalaban mula sa Malaysia at Thailand na nagkasya lamang sa silver at bronze medals.

Binura ni Dagmil ang pitong taong SEA games record na 7.79metro ni Mohd Zaki Sadri ng Malaysia na kanyang naitala sa 1997 Jakarta SEA Games upang pamunuan ang RP athletics team na mayroon nang limang gintong produksiyon para sa Team Philippines.

 Nagsumite si Manipol ng pinakamabilis na oras na 35 minuto at 39.08 segundo upang igupo sina Pa Pa ng Myanmar (35:39.08) at Truong Thi Mai ng Vietnam (37:00.82) na nagkasya sa silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Bukod kay Manipol at Dagmil, naghatid din ng ginto sina Danilo Fresnido sa men’s javelin throw at Rene Herrera sa men’s 3,000 meter steeple chase.

Nagsumite si Fresnido ng distansiyang 70.20 metro upang igupo sina Sanya Buathong ng Thailand (66.09m) at ang kanyang kababayang si Dandy Gallenero (65.80m) na nagkasya sa silver at bronze medal ayon sa pagkakasunod.

Matagumpay naming naidepensa ni  Herrera ang kanyang korona sa 3,000 steeplechase sa harap ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na nanuod ng kanyang event sa pagtatala ng pinakamabilis na oras na 8:56.13. (Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

DAGMIL

DANDY GALLENERO

DANILO FRESNIDO

HENRY DAGMIL

KANYANG

MANIPOL

MARCEDITA MANIPOL

MOHD ZAKI SADRI

NAGSUMITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with