5 golds sa wushu event tangka ng Pinoy
November 28, 2005 | 12:00am
Limang gintong medalya sa isa sa pinakamayamang gold medal sports ang nakaabang nagyong araw sa panimula ng wushu event ng 23rd South-east Asian Games na gaga-napin sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Gymnasium.
Isasalang ang mens taolu-nanquan at womens taolo-gunshu sa alas-12 ng tanghali, habang isasabak sa aksiyon ang mens taolo-jianshu at taolo-daoshu at womens taolo-nanquan event sa alas-7:30 ng gabi.
May kabuuang 22 gintong medalya ang nakataya sa wushu event kung saan pun-tirya ng Philippine wushu players na masungkit ang 10 hanggang 12 ginto para iam-bag sa kampanya ng bansa na makopo ang overall title sa biennial meet na nilahukan ng 11 bansa.
"We are expecting to win 10 to 12 gold medals out of the total 22 at stake," ani Julian Camacho, president ng WFP, sa kanilang target sa 2005 Philippine SEA Games.
Noong 2003 SEA Games sa Vietnam, anim na ginto ang inuwi ng bansa kung saan apat nito ay mula kina Willy Wang sa mens qiangshu-spear play at jianshu at Arvin Ting sa mens gunshu-staff at daoshu event.
Nag-ambag naman ng tig-isang ginto sina Dolores Andres at Edward Folayang sa womens 52 kg. sanshou at mens 70 kg. sanshou, ayon sa pagkakasunod.
Idedepensa ni Wang ang kanyang korona sa mens taolo-jianshu at ang batang si Ting naman sa titulo sa mens taolo-gunshu event. (Sarie Francisco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended