^

PSN Palaro

SEAG badminton papalo ngayon

-
Inaasahang dadagsain ang PhilSports Arena sa pagsi-simula ng kompetisyon sa kinagigiliwang sport ngayon ng mga Pinoy, badminton compe-tition ng 23rd Southeast Asian Games.

Sa pagkawala ng basket-ball na kinansela ng mga organizers, ang badminton ang siyang inaasahang kukuha ng atensiyon lalo pa’t nakaline-up sa listahan ng players ng Indonesia  ang Olympic gold medalists na si Taufik Hidayat.

Babandera  ang magka-patid na sina Kennivic at Kennie Asuncion kasama si Ian Piencenaves sa RP bad-minton squad sa pagsisimula ng men at women’s team event sa alas-6:00 ng umaga.

Makakasagupa ng men’s team ang Thailand habang ang women’s team naman ay sasabak kontra sa Indonesia.

Ang iba pang miyembro ng men’s team ay sina Rodel Bartolome, Wally Fernandez, Arolas Amahit, Jaime Junio, Mark Natividad at Lloyd Escoses habang kabilang naman  sa women’s squad sina Paula Obanana, Irene Chiu at Vannesa Tanco.

Pitong golds ang nakataya sa badminton gayundin sa table tennis na magsisimula rin ngayon sa Ninoy Aquino Stadium sa alas-9:00 ng uma-ga para sa team competition.

Magsisimula rin ngayon ang baseball competition sa Rizal Memorial baseball ground. (CVOchoa)

AROLAS AMAHIT

IAN PIENCENAVES

IRENE CHIU

JAIME JUNIO

KENNIE ASUNCION

LLOYD ESCOSES

MARK NATIVIDAD

NINOY AQUINO STADIUM

PAULA OBANANA

RIZAL MEMORIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with