Pinangunahan ni Sydney Olympic veteran Shiela Mae Perez at katambal na si Cescil Domenios ang unang ginto ng Pilipinas sa womens 3-meter synchronized spring-board finals.
Nakakuha ng kabuuang 260.60 puntos matapos ang limang rounds na dive sina Perez at Domenios upang gapiin ang Thailand, na nagkasya lamang sa silver na may 239.40. Ngunit kina-pos naman ang Malaysia na nakakuha ng 238.17 puntos upang makuha ang bronze
"We expected the gold from Sheila and Cescil, ani ni national coach Rommel Kong. Malaki ang kumpi-yansa ni Kong na makuha ang gold dahilan sa pagka-panalo nila ng silver sa Asian Diving Cup sa China dala-wang buwan na ang nakali-pas
Pinakita nina Perez at Domenios ang magandang summersault at twisting dive upang pataubin sina Supa-pan Prasertkwan at Sukrutai Tomaorros ng Thailand, Leong Mun Yee at Cheong Jun Hoong ng Malaysia
Nagkasya naman si Zardo Domenios na isang ring Olympic veteran ng bronze tangay ang 340,17 puntos. Nagpakitang gilas naman si Yeoh Ken Nee ng Malaysia upang hugutin ang gintong medalya na naka-kuha ng 387.99 na puntos, sumunod naman si Suchart Pichi ng Thailand na naka-puntos ng 362.25 para sa silver.
Ang isa pang Filipino bet na si Victor Paguia ay nagta-pos sa ikaapat na puwesto na may 313.44.
Natanggal naman ang entry ng Pilipinas sa womens 10-meter platform synchro-nized Finals dahil sa pagka-karoon ng injury ang katam-bal ni Perez na si Andrea Rafana. (Lawrence John Villena)