^

PSN Palaro

2 gold, 2 silver sa Pinoy dancers

-
CEBU City--Dalawang beses umalingawngaw ang Pambansang Awit dito sa Queen City of the South makaraang ma-sweep ang dalawang ginto at silvers na naka-taya sa dinumog na Grand Ball Room ng Waterfront Hotel sa Ba-rangay Lahug dito.

Umaagos ang mga luha sa mga mata ng Cebuanos na sina Michael Mendoza at Be-linda Adora nang ihayag na nagwagi sila sa Latin Category ng event, habang sina Rico Rosima at Filomena Salvador ay nagtatalon sa tuwa nang parangalan bilang pinaka-mahusay sa Standard event na nagbigay sa mga Pinoy campaigners ng dalawang gintong me-dalya sa unang araw ng aksiyon.

"I was really over-whelmed. I can’t really believe it. This is more than what I’m expected. But anyway they de-served the rewards for their long and tiresome preparations," wika ni Philippine DanceSports Council president Becky Garcia.

At tila hindi pa kunten-to sa kanilang dominas-yon, pumangalawa na-man ang mga kakamping sina John Erolle Melencio at Dearlie Gerodias sa Latin category gayundin sina Rico Rosima at Emmanuel Salvador sa Standard event para sa dobleng tagumpay ng mga Pinoy sa debut ng naturang event sa 11-nation meet.

"The people saw how our athletes stood out on the floor. The European judges saw it that way and nobody could really con-test that we are the best in Southeast Asia," dag-dag ni Beckey, kung saan nagtapos din ang mga bataan na pangalawa sa 1st Asian Indoor Cham-pionship sa Bangkok, Thailand, kamakailan.

Ang Thai pair naman nina Watcharakorn Sua-sueepun at Warapa Jum-bala ang naka-bronze sa Latin, at ang mga kaba-bayan din nilang sina Pa-watpong Racha-apat at Chanawan Potimu ang kumuha ng bronze sa Standard category.

Magpapatuloy ang kapana-panabik na aksi-yon ngayon kung saan 10 gintong medalya ang nakataya dito ngayon, 8 sa karatedo at 2 sa mountainbike competition sa Danao City.

Tangka ni 2003 SEA Games silver medalist Marites Bibit ang gold sa women’s downhill event sa mountainbike, habang sina Michael Borja, Joey Barba, Jefferson Odivar at Parabanne Mendoza ang kakarera sa men’s down-hill competition.

ANG THAI

ASIAN INDOOR CHAM

BECKY GARCIA

CHANAWAN POTIMU

DANAO CITY

DEARLIE GERODIAS

EMMANUEL SALVADOR

FILOMENA SALVADOR

GRAND BALL ROOM

RICO ROSIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with