^

PSN Palaro

Pinoy netters umusad sa finals

-
Matapos ang anim na taong pagkauhaw sa gintong medalya, at sa tulong ng mga betera-nong Fil-Am tennis players na sina Cecil Mamiit at Eric Taino, natabunan ng Philippine tennis team ang kabi-guan ng mga kababa-ihan at masungkit ang unang gold medal sa 23rd Southeast Asian Games sa Rizal Memo-rial Tennis Center.

Impresibong nagpa-malas ng kanilang lakas sina Mamiit at Taino laban sa mga magka-patid na Thai na sina Sonchat at Sanchai Ratiwatana sa singles matches, upang hatakin ang Philippines sa finals ng men’s tennis event.

Hindi rin nagpahuli ang tambalan nina Johnny Arcilla at Patrick John Tierro para sa 3-0 sweep nang magretiro sina Sonchat at Weera-pat Doakmaiklee sa doubles.

Huling nagwagi ng gintong medalya ang Philippines noong 1999 SEA Games sa Brunei mula sa singles gold ni Maricris Fernandez.

Makakalaban nila ang Indonesia na nag-wagi sa Vietnam, 2-1 sa finals.

Ang pagpasok na ito ng Pinoy netters sa finals ay nagsiguro sa kanila ng silver medal isang mala-king improvement sa kanilang nag-iisang bronze na kinuha sa Vietnam noong 2003.

"I was so excited and had a lot of energy. I knew I gonna receive a lot of love and a lot of support, and I just tried to figure it out how to use it to my advantage," wika ni Mamiit, pang-211 sa mundo, na siyang-siya sa kanyang laban sa harap ng mga kababayang nanonood. (Sarie Francisco)

CECIL MAMIIT

ERIC TAINO

JOHNNY ARCILLA

MAMIIT

MARICRIS FERNANDEZ

PATRICK JOHN TIERRO

RIZAL MEMO

SANCHAI RATIWATANA

SARIE FRANCISCO

SONCHAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with