Tinumbok kagabi ni Ronnie Alcano ang gin-tong medalya matapos talunin ang kababayang si Antonio Gabica, 5-3, sa kanilang final match sa mens 15-ball rotation event sa billiards and snooker ng 23rd South-east Asian Games sa Makati Coliseum.
Hindi pa man nagla-laro ay naghayag na si Billiards and Snooker Congress of the Philip-pines (BSCP) president Ernesto Fajardo na tiyak na si Alcano para sa gold medal sa 15-ball rotation.
Winalis ng tinaguriang "Volcano", naghuhubad ng kanyang pustiso sa tuwing maglalaro katulad ng ginagawa ni Reyes, ang kanyang mga karibal sa eliminasyon bago hara-pin si Gabica sa final round.
Ang kabiguan naman ang nagbigay kay Gabica ng silver medal, habang napunta kay Muhammad Junarto ng Indonesia ang bronze medal nang gibain si Tan Tiong Boon ng Singapore, 5-2.
Samantala, uma-bante naman sa final round ang RP snooker team na binubuo nina Alex Pagulayan, Joven Alba, Leonardo Andam at Felipe Tauro, Jr. (RC)