^

PSN Palaro

Ginto sa 15-ball rotation tinumbok ni Alcano

-
Hindi man lumaro si Efren "Bata" Reyes, may isa pang Filipino cue artist na makikilala rin dahil sa paglalaro nang walang ngipin.

 Tinumbok kagabi ni Ronnie Alcano ang gin-tong medalya matapos talunin ang kababayang si Antonio Gabica, 5-3, sa kanilang final match sa men’s 15-ball rotation event sa billiards and snooker ng 23rd South-east Asian Games sa Makati Coliseum.

Hindi pa man nagla-laro ay naghayag na si Billiards and Snooker Congress of the Philip-pines (BSCP) president Ernesto Fajardo na tiyak na si Alcano para sa gold medal sa 15-ball rotation.

 Winalis ng tinaguriang "Volcano", naghuhubad ng kanyang pustiso sa tuwing maglalaro katulad ng ginagawa ni Reyes, ang kanyang mga karibal sa eliminasyon bago hara-pin si Gabica sa final round.

 Ang kabiguan naman ang nagbigay kay Gabica ng silver medal, habang napunta kay Muhammad Junarto ng Indonesia ang bronze medal nang gibain si Tan Tiong Boon ng Singapore, 5-2.

 Samantala, uma-bante naman sa final round ang RP snooker team na binubuo nina Alex Pagulayan, Joven Alba, Leonardo Andam at Felipe Tauro, Jr.  (RC)

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIP

ERNESTO FAJARDO

FELIPE TAURO

GABICA

JOVEN ALBA

LEONARDO ANDAM

MAKATI COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with