^

PSN Palaro

5 golds kinana agad ng Pinas

- Carmela Ochoa -
Nang pormal na mabuksan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang 23rd Southeast Asian  sa magarbong opening ceremonies sa Luneta Grandstand kagabi, mayroon ng limang gintong medalya ang Pilipinas at bago matapos ang araw, hawak na ng Team Philippines ang overall leadership.

Unang naghatid ng golds sina long jumper Maristella Torres, divers Shiela Mae Perez at Ceceil Domenios  at ang mga dancesport athletes na nagdomina ng one-day competition sa pormal na pagsisimula ng kom-petisyon ng 11-nation biennial kahapon.

Sinimulan ng 24-gulang na si Torres ang matayog na kampanya ng Team Philippines para sa overall title sa pag-ambag ng kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa women’s long jump nang tumalon ito ng 6.47-metro sa unang araw ng athletics competition sa Rizal Memorial Track Oval.

Agad itong nasundan ng gold sa 3-meter syn-chronized springboard nina Perez at Domenios makalipas lamang ng mahigit isang oras sa diving competition na nagsimula naman sa Trace Aquatics Center sa Los Baños Laguna.

Bago magsimula ang makulay na opening prog-ram sa Luneta, iginawad sa Philippines ang dala-wang gintong nakataya sa one-day event ng dance-sport na ngayon pa la-mang naisama sa calen-dar of sports event.

Makailang ulit na narinig ang Pambansang Awit sa Waterfront Hotel matapos maisubi ng pares nina Michael Men-doza at Belinda Adora  ang ginto sa Latin Ameri-can dance gayundin ng tambalan nina Rico Rosi-ma at Filomena Salvador sa standard category.

Inihabol naman ni Ronnie Alcano ang ginto sa singles 15-ball rotation ng billiards competition sa Makati Coliseum matapos ang kanyang 5-3 tagum-pay sa kanyang kababa-yang si Antonio Gabica na nagkasya sa silver medal.

Naka-silver din sina John Erolle Melencio at Dearlie Gerodias sa Latin dance gayundin sina Emmanuel Reyes at Maira Rosete sa standard.

Bukod sa limang gold, umani rin ang Pinas ng limang silver at apat na bronze habang sinusulat ang balitang ito at para hawakan overall leader-ship matapos ang unang araw ng kompetisyon.

Nakabuntot ang Malaysia na may 5-2-3 gold-silver-bronze habang nasa third place naman ang Indonesia na may 2-1-1 gold-silver-bronze.

Nag-ambag din ng silver si Lerma Bulauitan-Gabito  na pumangalawa lamang kay Torres sa kanyang nilundag na 6.45m  dagdag sa nau-nang pilak ng water polo team.

Bigo naman ang mga Pinoy karatekas na makapagsubi ng ginto nang maagang masibak ang pambato na si Gretchen Malalad at magkasya lamang sa tatlong bronzes sa Man-daue Coliseum sa Cebu kahapon.

Tinalo ng RP kumite team na pinangunahan ni Bernardo Chu, ang Brunei Darrusalam at Thailand bago yumukod sa Indo-nesia sa semifinals para magkasya lamang sa  bronze sa kumite team event.

Sa Individual kata, nagsubi naman ng bronze si Stephanie Lim sa women’s division at Noel Espinosa  sa men’s category.

Nakasiguro rin ng silver ang men’s tennis team na binubuo nina Fil-Am Cecile Mamiit, Eric Taino, Johnny Arcilla at Patrick John Tierro mata-pos talunin ang Thailand, 3-0 sa team competition. At susunod nilang maka-kalaban ang defending champion na Indonesia para sa titulo.

May kabuuang 49-golds naman ang naka-taya ngayon, 14-nito ay athletics, walo sa kara-tedo, anim sa shooting at lima sa wushu.

ANTONIO GABICA

BELINDA ADORA

BERNARDO CHU

BRUNEI DARRUSALAM

CECEIL DOMENIOS

DEARLIE GERODIAS

EMMANUEL REYES

ERIC TAINO

FIL-AM CECILE MAMIIT

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with