^

PSN Palaro

Chess, cycling raragasa sa Tagaytay City

-
TAGAYTAY CITY-- Mapa-pasabak na ang mga pangu-nahing chess players ng bansa sa blitz event ng siyam na araw na chess compe-tition ng 23rd Southeast Asian Games na magsisi-mula ngayon sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City.

Babanderahan ng mga Grandmasters Eugene Torre, Rogelio Antonio Jr., at Nelson Mariano ang kampanya ng bansa sa unang araw ng chess competition kung saan nakataya ang unang dala-wang walong gold na pagla-labanan sa naturang sport.

Bukod kina Torre, Antonio at Mariano, kasama nilang sasabak ngayon sina Inter-national Master Nelson Mariano at National Master Jayson Gonzales.

Pangungunahan naman ni International Master Sheerie Joy Lomibao ang women’s blitz team kung saan makakatulong niya sina Beverly Mendoza, Sherily Cua, Catherine Perena at Joanne Toledo.

Bukod sa Blitz, ang iba pang event ay ang  Rapid single kung saan sasabak din sina Torre at Antonio; ang Rapid team ay lalaruan  ng bagong GM na si Mark Para-gua kasama sina Mariano, Nadera at Petronio Roca; Standard chess singles at team (Torre, Antonio, Oliver Dimakiling, Oliver Barbosa, Dableo sa women’s, Lomi-bao, Mendoza, Aices Salva-dor, Shercila Cua at Enerose Magno).

Hangad ng chess team na higitan ang kanilang tatlong gold sa 2003 Vietnam SEA Games.

Bukod sa chess, iho-host din ng Tagaytay City ang road race event ng cycling sa December 1 (women’s 27km at men’s 40km individual time trial) at Dec. 2 (women’s 69.5km at men’s 160km massed start)

Ang mga pambato sa ITT ay sina 2001 FedEx Tour champion Arnel Quirimit, Alito Atilano sa men’s kasama sina Marites Bitbit, Lakambini Alto at Marita del Rosario na sasabak din sa massed start habang sina Reynaldo Navarro, 2000 Tour of Cala-barzon champion Santy Barnachea, Irish Valenzuela at Renato Sembrano naman sa men’s division. (Carmela V. Ochoa)

AICES SALVA

ALITO ATILANO

ARNEL QUIRIMIT

BEVERLY MENDOZA

BUKOD

CARMELA V

CATHERINE PERENA

ENEROSE MAGNO

GRANDMASTERS EUGENE TORRE

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with