Masasaksihan din ang tradisyunal na parada ng 7,000 atleta at opisyal mula sa 11-member countries na pangu-ngunahan ng Team Philippines na magsusuot ng kakaibang barong.
Inaasahang aabot sa 30,000 katao ang dadagsa sa Luneta upang saksihan ang pambungad na programa kaya inaasahang magiging mahigpit ang seguridad na inihanda ng security committee ng Philip-pine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) sa ilalim ni Gen. Rodolfo Tor para sa Presidente kasama ang mga opisyal mula sa gobyerno at sport sa pangunguna ni PHILSOC executive chief operationg officer Jose Peping Cojuangco, foreign dignitaries at Royal personalities.
Ang mga production num-bers na inihanda ng opening and closing ceremonies com-mittee sa ilalim ni Maria Monte-libano ay katatampukan ng kultura ng Pilipinas at ng iba pang karatig bansa alinsunod sa One ASEAN, One Heritage theme ng 2005 SEA Games.
Ang San Miguel Philhar-monic Orchestra at San Miguel Master Choral sa ilalim ni Maestro Ryan Cayabyab ang magpro-provide ng musika sa programa habang pangungu-nahan naman ng Bayanihan Dance Company, Hotlegs, Dance Masters at Tony Fabella Dancer Group ang mga perfor-mers sa mga production numbers.
Ang Taekwondo Olympian na si Maria Antoinette Rivero ang magdadala ng symbolic flame ng SEA Games upang sindihan ang urno habang ang team-captain ng Philippine delegation na si equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski, ang 2003 Asian Games Gold medalists, ang mangunguna sa Oath of Sportsmanship at siya ring flag-bearer sa Parade of teams.
Ang upcoming singer na si Julie Abueva ang kakanta ng SEAG theme song na pinama-gatang Were All Just One.
Magkakaroon ng fireworks display kasunod ang mini concert ng Rivermaya pagka-tapos ng programa. (Carmela V. Ochoa)