Masama agad ang simula ng mga Pinay netters nang mabigo si Czarina Mae Arevalo kay Romana Tedjakusuma, 1-6, 3-6 na sinundan ng 1-6, 1-6 pagkatalo ng Fil-American netter na si Riza Angela Zalameda kay Wynee Prakusya sa singles matches.
Nabigo ring makabawi si Zalameda nang makipagtambal ito sa isa pang Fil-Am netter na si Denise Dy sa doubles matches nang malasap nila ang 6-3, 6-4 pagkatalo sa tambalan nina Ayu Fani Damayanti at Septi Mende.
Matapos makawala ang team gold, umaasa sina Arevalo, Zalameda at Dy na makabangon sa singles competition na magsisimula sa Martes.
Isasalang naman ang mens team event ngayon kung saan aasahan ang mga Fil-Ams na sina Eric Taino at Cecil Mamiit kaakibat sa koponan ang local bets na sina Johnny Arcilla at Patrick John Tierro.
May pitong ginto ang nakataya sa tennis competition kung saan hangad ng RP team na masungkit ang dalawa nito upang makabawi sa kanilang bronze medal na produksiyon lamang sa 2003 Vietnam SEA Games. (CVOchoa)