Pinoy tracksters hahataw ngayon
November 27, 2005 | 12:00am
Kung sakali, ang athletics ang magbibigay ng kauna-unahang gin-tong medalya ng Pilipinas sa 23rd Southeast Asian Games.
Nakatakdang kuma-wala ang womens long jump event ngayong alas-8 ng umaga sa Rizal Memorial Track Oval kung saan inaasahang muling magrereyna si Lerma Bulauitan-Gabito, nag-uwi ng gold medal sa natu-rang event sa 2003 SEA Games sa Vietnam.
Makakasama ng 31-anyos na si Bulauitan-Gabito, isang 2000 Syd-ney Olympic Games campaigner, si Marestella Torres, gold medal winner sa long jump sa naka-raang 2005 Asian Ama-teur Athletic Champion-ships.
"Dapat talaga palaging may kasama yung pambato natin para sa gold medal," sabi ni national head coach Joseph Sy sa pagkaka-roon ng Philippine Ama-teur Track and Field Association (PATAFA) ng dalawang entry sa bawat event. "May possibility kasi na kung hindi makuha nung potential gold me-dalist natin yung gold, yung kasama niya ang makakakuha."
Inihalimbawa ni Sy ang nangyari sa Vietnam SEA Games noong 2003 kung saan nagkaroon ng injury si Eduardo Buena-vista sa mens 3,000-meter steeplechase event.
"Nagkaroon ng konting injury si Buenavista sa hamstring niya kaya nahirapan talaga siyang tumakbo. Mabuti na lang at nandoon si Rene Herrera para kunin yung gold medal," ani Sy.
Maliban kina Bu-lauitan-Gabito (womens long jump), Buenavista (mens 10,000m run) at Herrera (mens 3,000m steeplechase), ang iba pang nag-uwi ng gintong medalya mula sa Vietnam ay sina Ernie Candelario (mens 400m run), John Lozada (mens 1,500m run), Danilo Fresnido (mens javelin throw), Arniel Ferreira (mens hammer throw) at Allan Ballester (mens mara-thon).
Sampu hanggang 15 gintong medalya ang puntirya ng PATAFA na maitatakbo sa 2005 SEA Games mula sa kabu-uang 45 na nakalatag.
Bukod sa womens long jump, pakakawalan rin ngayong umaga ang labanan sa womens pole vault at high jump event. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended