Ika-3 sunod na panalo hangad ng Montaña: Harbour Centre babangon
November 26, 2005 | 12:00am
Ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Montaña Pawnshop sa pakikipagharap sa Toyota Otis habang sisikapin naman ng Harbour Centre na makabangon sa three-game losing skid sa 2006 PBL Heroes Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.
Pinapaborang manalo ang Jewels na galing sa 66-63 panalo kontra sa Rain or Shine noong Linggo, laban sa Toyota Otis na nais namang makabangon sa dalawang sunod na talo.
Nakatakda ang Montaña-Toyota Otis duel sa alas-2:00 ng hapon na susundan naman ng pakikipaglaban ng Port Masters sa Hapee-Philippine Christian University sa alas-4:00 ng hapon.
Ang Jewels ay kasama sa three-way-tie sa 3-2 record na kinabibilangan ng mga walang larong Granny Goose Tortillos at Rain Or Shine sa likod ng league leader na Magnolia Ice Cream na nag-iingat ng malinis na 5-0 kartada.
Hangad din ng Port Masters na makabangon mula sa dalawang sunod na talo upang makakalas sa pakikipagtabla sa Teeth Masters na na kapareho nilang may dalawang panalo pa lamang sa limang laro. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest