Royalties makikibahagi sa SEA Games

Tiyak na magiging makinang ang opening ceremonies ng 23rd Southeast Asian Games.

 Ito ay dahilan sa pagparada ng mga Prinsipe at Prinsesa ng Brunei, Thailand at Cambodia sa naturang pormal na pagbubukas ng 2005 Philippines SEA Games bukas sa Quirino Grandstand sa Luneta Park sa Manila. 

Nakatakdang dumating sa bansa kahapon si Prince Sufri Bolkiah, pangulo ng National Olympic Council (NOC) ng Brunei, at magtatagal ng hanggang Disyembre 6.

Sa naturang araw rin inaasahang darating sina Princess Sievannarvari Nariratana at Prince Maha Vajiralongkorn ng Thailand upang dumalo sa opening ceremonies ng nasabing biennial event.

Nauna nang dumating sa bansa si Prince Norodom Ranariddh ng Cambodia noong Huwebes para pangunahan ang kanyang 148-man delegation.

Dahilan sa mga Prinsipe at Prinsesa, mas magiging mahigpit ang seguridad ng halos 11,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa opening rites ng SEA Games. (RCadayona)

Show comments