North vs South PBA All-Stars sa Laoag ngayon
November 26, 2005 | 12:00am
Nakatakda ngayon ang sagupaan ng North All-Stars team at South All-Stars bilang highlight ng PBA All-Star Week sa Ilocos Norte Centennial Arena sa alas-5:00 ng hapon.
Sisikaping maulit ng South All-Stars ang 130-127 panalo noong nakaraang taon na ginanap sa Cebu City.
Mangunguna sa North squad sina Romel Adducul, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Marc Pingris, Jeff Cariaso, Tony dela Cruz, Brandon Cablay, Enrico Villanueva Rich Alvarez at Billy Mamaril.
Pamumunuan naman nina Danny Seigle, Eric Menk, Asi Taulava, Jimmy Alapag, James Yap, John Ferriols, Ronald Tubid, Reynel Hugnatan, Joachim Thoss, Dondon Hontiveros, Cyrus Baguio at Roger Yap ang South squad.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang ginaganap ang kauna-unahang Rookies versus Sophomore game.
Ang North All-Stars ay mamanduhan ni Purefoods coach Ryan Gregorio na tatapatan ni Talk N Text mentor Joel Banal na muling hahawak ng South All-Stars.
Mauuna rito ay gaganapin ang finals ng Slam dunk contests sa side events na sisimulan ng alas-3:00 ng hapon kung saan ipagtatanggol ni Cyrus Baguio ng Red Bull ang kanyang titulo laban sa kanyang mga challengers na kinabibilangan ni Niño Canaleta na slam dunk winner sa amateur basketball. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended