Umpisa na rin ang hatawan sa tennis
November 26, 2005 | 12:00am
Naging mapalad ang RP tennis team sa draw ng men at womens team competition na ginanap kahapon.
Bagamat magsisimula na ang aksiyon ngayon sa tennis ng 23rd Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Tennis Center, may panahon pang makapaghanda ang mga local netters matapos maka-bye sa unang round.
Pangungunahan ng mga Fil-Ams netters na sina Cecil Mamiit, Eric Taino, Riza Zalameda at Denise Dy kasama ang Fil-German na si Anja Vanessa Peter ang kampanya ng RP netters na naghahangad makakuha ng dalawa sa pitong gold medals na nakataya.
Bukod kina Mamiit at Taino, kasama din sa mens team sina Patrick John Tierro at Johnny Arcilla.
Kasama naman sa womens team si Czarina Mae Arevalo.
Dahil sa nakuhang bye, nakakasiguro na ang RP mens at womens team sa semifinals.
Nabiyayaan rin ng bye sa womens division ang Indonesia at Thailand kayat maiiwan sa Myanmar at Vietnam ang bakbakan para sa huling semifinals slot.
Nakatakdang sagupain ng Pinay netters ang Indonesia habang haharapin ng Thailand ang magwawagi sa Myanmar at Vietnam.
Maghaharap ang Thailand at Myanmar sa mens quarterfinals gayundin ang Laos at Vietnam at Cambodia versus Indonesia. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended