Pinoy water polo lumakas ang tsansa
November 25, 2005 | 12:00am
LOS BAñOS -- Halos nasi-siguro na ng Philippine water polo team ang pagsungkit sa silver medal makaraang igupo ang Vietnam, 13-3, sa water polo competitions ng 23rd Southeast Asian Games dito sa Trace Aquatics Center.
Maagang ipinakita ng Pinoy ang kanilang dominasyon nang agad iposte ang 4-1 abante sa first quarter na kanilang nasustina tungo sa one-sided na laban.
Ang panalo ay ikalawa ng Philippines matapos ang nakapanlulumong 6-7 kabi-guan sa Singapore noong Martes at manatili sa likuran nito sa ikalawang puwesto na may 3-1 baraha patungo sa kanilang huling laban sa torneo kontra sa Malaysia ngayong alas-6:30 ng gabi.
Tuluyang naglaho ang ga-hiblang tsansa ng Pinoy na masungkit ang gintong me-dalya makaraang pataubin ng defending champion Singa-pore ang Thailand, 12-3.
Nagtulungan sina Roy Canete at Monsuito Pelenio na kumana ng tigatlong goals para pangunahan ang opensa ng Pilipinas habang ang de-pensa ay hinawakan ng goalie na si Allan Cesar Payawang.
Hindi pinaiskor ng Pinoy ang Vietnamese sa huling dalawang quarter bunga ng kanilang malamoog na depen-sa.
Binanderahan ni Ngoc Wan ang kanyang koponan sa naitalang dalawang goals. (Lawrence John Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended