^

PSN Palaro

Barong ang isusuot ng Team Philippines sa parada

-
Magmamartsa ang Philip-pine team suot ang national costume na barong sa tradit-ional parade sa opening ceremonies ng 23rd Southeast Asian Games sa Linggo sa historic Quirino grandstand sa Luneta.

Ang international designer na si Eric Pineda ang lumikha ng parade uniform para sa nationals katulong ang kilalang artist  na si Gil Jess Orozco.

"I’m proud of being com-missioned to design the parade uniform for the Philippine Team. With utmost pride and nationalism I accepted the challenge as contribution for the country’s effort to show to the world how good and beautiful our culture and tradition," ani Pineda, na siya ring gumawa ng parade uniform ng RP team noong 1991 SEAG hosting.

 "We conceived the dele-gation’s barong to reflect the colors of the Philippine flag and our country’s quest for gold," ani Pineda.

Ang barong ng mga atleta ay gawa sa pulang ramie linen na may silhouette at neckline tulad ng mga isinusuot ng mga babaeng Muslim sa Mindanao. Ang makulay na collar at cuffs ay galling sa barter market ng para maging ‘ethnic’ ang dating.

Sa mga lalaki, gawa naman ito sa royal blue ramie linen na komportable sa mga atleta.

"This factor was seriously considered because the parade will start in the mid-afternoon. We would like our athletes and officials to survive the scorching heat of the afternoon sun," sabi ni Pineda.

Ang mga babae at lalaki ay parehong magsusuot ng itim na pants upang kumplimen-tuhan  ang kanilang barong at  ‘Salakot’  na gawa sa ‘nito’ mula sa Romblon.

Inaasahang milyon milyon ang manonood ng opening ceremonies na sisimulan sa alas-5:30 ng hapon sa Linggo.

ERIC PINEDA

GIL JESS OROZCO

INAASAHANG

LINGGO

LUNETA

MAGMAMARTSA

PHILIPPINE TEAM

PINEDA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with