Kung ang Thais ay tatampukan nina reigning world at Asian champion Somjit Jongjohor, Athens silver medalist Worapoj Petchkoom at dalawa pang defending cham-pions sa SEAG na sina Kaoe Pongpravoon at Pichai Sayota, hindi rin pahuhuli ang Philippines sa pagpi-prisinta ng tinaguriang "Magnificent Seven" ng naturang pro-binsiya na lahat ay determinadong lumaban ng husto sa harap ng kanilang mga kababayan.
Ang pitong Negros boxers na sina finweight Juanito Magliquian Jr. and bantamweight Joan Tipon mula sa Talisay, feather-weight Joegin Ladon, welterweight Mark Jason Melligen at female light-weight Mitchel Martinez ay mga taga-Bacolod ha-bang si flyweight Warlito Parrenas ay mula sa Cadiz at middleweight Reynaldo Galido mula sa Bago.
Kasama din sa team na magtatangkang dupli-kahin ang overall cham-pionship sa Manila noong 199 ay sina light flyweight Harry Tanamor, light-weight Genebert Ba-sadre, light welterweight Romeo Brin at ibang female bets Alice Kate Aparri, Analiza Cruz, Annie Albania at Jouvilet Chilem. (NBeltran)