Pinoy booters ‘di umubra sa Thais

BACOLOD – Magiting na nakipaglaban ang Philippines tulad ng pangako nila laban sa de-fending champion Thai-land ngunit isang krusiyal na pagkakamali sa de-pensa ang nagawa na naging dahilan ng kabi-guan ng host team sa isang kapana-panabik na na SEA Games men’s football sa dinumog na Panaad Sports Center dito.

Lumasap ang RP XI na mahigpitang 0-1 kabi-guan na ikinalungkot ng may 15,000 football-crazy Negrense na uma-asam ng victory party sa venue, may 10 kilometro ang layo sa Bacolod downtown.

Ibinigay ng Nationals ang goal sa defensive error sa 36th minute at nabigong mapantayan ito bagamat umatake sa final half na nagbigay daan sa Thais na malusutan ang one-goal victory.

Umiskor si Jakkrit Bunkham ng natatanging goal mula sa 12 yard sa loob ng box matapos bumukas ang depensa ng Philippines.

Sa women’d division sa Marikina Sports Com-plex, sisimulan naman ng RP women’s football team ang kanilang kam-panya sa kanilang pakiki-pagharap sa Thailand sa alas-6:30 ngayong gabi.

Susunod nila kakala-banin ang Indonesia sa Sabado, defending cham-pion na Vietnem sa Lunes at huli ang Myanmar sa Nov. 30. (Nelson Beltran)

Show comments