Nakauna na tayo

Nakauna na tayo sa polo sa SEA Games.

Ang panalo natin laban sa Indonesian polo team ay magandang senyales para sa mga Pinoy athletes.

Makabawi kaya tayo sa Singapore na tumalo sa atin last time around? Ang Thailand team pa rin kaya ang mamayag-pag sa event na ito?

Mamaya malalaman natin kung ano ang ibubuga natin laban sa Singaporeans.
* * *
Naging guest sa Ok Fine whatever nina Aga Muhlach, Edu Manzano at Bayani Agbayani ang FEU Tamaraws sa pangunguna nina Arwind Santos at Mark Isip.

Kuwelang-kuwela sila at kahit naman hindi magaling na artista, pasable na rin ang akting nina Arwind. Ipinalabas na ang episode na ito ng Ok Fine last Monday at tiyak yan, maganda ang naging rating nito dahil alam nyo naman kung gaano karami ang mga fans ng FEU Tamaraws.
* * *
Extended ang special offer ng PBA na P5 bayad sa general admission.

Mabuti naman dahil isa ito sa mga sikreto kung bakit laging maraming tao sa Big Dome. Isa yan sa mga sikreto kung bakit ang mga players eh ganadong maglaro.  Pag mas maraming tao, mas malakas ang intensity nila sa laro nila.

Sana nga, forever na yang promo nilang P5 sa gallery.
* * *
Puro istorya na ng SEA Games ang nasa mga diyaryo.

Mabuti nga yan para tumaas na ang level of awareness ng mga Pinoy sa event na ito.

Medyo nagkulang yata sa promo kaya hindi masyadong alam ng maraming Pinoy kung anu-ano na ang nangyayari.

Sabi nga nila, sayang daw at hindi masyadong na-full blast nito ang awareness para sa SEA Games para makatulong din daw sa tourism. Siguradong susugurin tayo ng mga tao  galing sa mga bansang kasali sa SEA Games.

Oo nga naman.
* * *
Para sa latest in sports and showbiz news, text lang kayo NAP sa 34822, para po yan sa Talk N Text subscribers.

Show comments