^

PSN Palaro

Pinoy lusot sa Indons

-
LOS BAÑOS – Maganda ang panimula ng Philippines nang igupo nila ang Indonesia, 15-10 sa unang araw ng water polo competition ng 23rd Southeast Asian Games sa dinumog na Trace Aquatics Center dito.

Nagningning ang magkakapatid na Ali, Norton at Frazier Alamara upang tulungan ang Pinoy water polo players na maka-alpas mula sa magipitang laban sa panimula ng final period tungo sa unang panalo sa round-robin tournament.

Mula sa 9-8 abante sa pagtatapos ng ikatlong yugto, umiskor ng tatlong sunod na puntos ang Philippine na kinabilangan ng back-to-back goals ni Norton Alamara para makalayo ang Pinoy 12-8 may 3:34 pa ang nalalabi at hindi na muling lumingon pa.

"We used our stamina and fighting spirit in the final quarter, instruction ko sa mga bata nang lumapit ang Indonesia na languyin nang languyin upang pagurin sila at naging maganda ang resulta," ani national coach Rey Galang, na gumigiya sa koponan sapul pa noong 1997. (LJVillena)

ALI

FRAZIER ALAMARA

MAGANDA

MULA

NAGNINGNING

NORTON ALAMARA

PINOY

REY GALANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TRACE AQUATICS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with