KALABAW LANG ANG TUMATANDA

Kahit na napagtatalo ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer ay tila hindi naaalarma ang karamihan sa mga fans ng Beermen. Para bang alam nilang kahit anong oras ay makakabangon ang Beermen at pwede pa nitong maipagtanggol ang korona sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference.

Kasi nga, kapag tiningnan ang mga resulta ng laro ng Beermen, makikitang hindi naman sila natatambakan ng kalaban. Sa endgame lang sila nadadale.

Sa siyam na laro, minsan lang nagwagi ang San Miguel at ito’y kontra sa Air21 Express na naungusan nila sa double overtime, 123-119 sa Capiz Gymnasium sa Roxas City. Kaya nga may nagbibiro’t nag-sasabing baka kailangang panay out-of-town na lang ang games ng San Miguel Beer at magbabago ang kanilang kapa-laran.

Pero may mga nakakausap akong ibang coaches na nagsa-sabing natatakot sila sa San Miguel. Sa format daw ng classi-fication round, pwedeng-pwede ngang makahabol ang nangu-ngulelat na team.

Katunayan, kahit na walang ipanalo ang isang team sa clas-sification round, hindi naman siya mae-eliminate. Kailangan nga lang niyang talunin ng dala-wang beses ang Number 8 team para makausad sa susunod na yugto.

Kaya nga ang feeling ng karamihan, kung hanggang sa dulo ng classification round ay kulelat ang Beermen, medyo nanganganib ang No. 8 team. Sinasabi nga na ngayon ay umii-was ang mga teams na pu-mangwalo upang hindi maka-harap ang Beermen.

Ganun ka-delikado ang sitwasyon! Ganoon ang respeto nila sa Beermen.

At tama lang naman iyon, e. Hindi ko na nga maalala kung kailan huling nangulelat ang San Miguel. Palagi silang nasa top four teams ng liga sa pagtata-pos ng season.

Ito nga ang dahilan kung bakit hindi sila makakuha ng No.1 draft pick. Ang huling matinding pick na nakuha nila ay si Danilo Ildefonso at ito’y nangyari noon pang 1998. Ibig sabihin, 1997 nang huling ma-ging doormat team ang San Mi-guel. Mahabang panahon na iyon. At mula nang makuha nila si Ilde-fonso at si Danny Seigle, ay sang-katutak na ang kampeonatong naisubi nila.

Noong isang taon, nasabi ng karamihan na tila tumatanda na nga ang Beermen kumpara sa mga ibang koponang nagpabata na nang husto. Pero sinabi ni Ildefonso na "kalabaw lang ang tumatanda." Ito’y pinatunayan niya at ng kanyang mga kakampi nang talunin nila ang Talk N Text sa Finals ng nakaraang torneo.

Kaya naman hindi na gaa-nong binalasa ni coach Joseph Uichico ang kanyang line-up. Ba-kit nga naman, e kapapanalo lang nila ng titulo.

Pero ngayong napagtatalo sila, baka sakaling nag-iisip na rin si Uichico ng pagbabago.

E, paano nga kung sa kabila ng pangungulelat nila sa clas-sification round ay makabawi pa sila?

E di wala munang pagba-bago!
* * *
HAPPY birthday kay sports television director Francis Noel Jopillo na magdiriwang sa Miyerkules, Nobyembre 23.

Show comments