UMPISA NA NG LABAN NG MGA PINOY

LOS BAÑOS -- Sisimulan ng RP Water polo team ang kampanya ng bansa sa 23rd Philippine Southeast Asian Games sa pakikpagharap sa powerhouse Indonesia sa pagsisimula ng aquatics ngayong hapon sa Trace College.

Nakatakda sa alas-4:00 ng hapon ang laban ng mga Pinoy na naghahangad malampasan ang kanilang bronze medal finish sa 2003 Vietnam SEAG, kontra sa Indons .

Inamin ni Philippine Amateur Swimming Association president Mark Joseph na mabigat na kalaban ang Indonesia ngu-nit tiwala ito sa mga Filipi-no polo bets na pangu-ngunahan nina veterans Malix Laurel, Sherwin de-la Paz, Alan Cesar Paya-wal, Michael Jorola, Ri-cardo Dilap Dilap, Norton Alamara, Frazier Alama-ra, Dale Evangelista, Dan-ny dela Torre, Monsuito Pelenio at Tani Gomez.

Ang water polo event ay matatapos sa Nov. 25, 2-araw bago ang formal opening ceremonies sa Quirino Grandstand.

Sa Bacolod, tinanggal sa roster ang dating Bright Hove Albion reserve na si Chris Greatwich dahil unti-unti nang umuusad ang kanyang Hartwick team sa US NCAA, sa isinumi-teng line-up ni RP coach Aris Caslib sa team mana-ger’s meeting noong Sa-bado na kinabibilangan ng anim na Fil-foreign recruits-- ang magkapatid na Phil at James Young-husband, Chad Gould, Andy Procknow, Filippo Braggio at ang kapatid ni Chris na si Phil Greatwich.

Kasama din sa team sina Ian Bayona Araneta, Emilio Caligdong, Mendiola Jesan Candolesa, Vaughn Mellendrez, Mark Peterson Villon, Alex Bor-romeo ng Kaya, Louie Ca-sas, Jeffrey Liman, Gerald Orcullo, Bervic Italia, Peter Jaugan, Jay-Archie Mar-caida, Arnie Pasinabo at Alvin Valeroso.

Nagsimula na ng practice ang RP team kahapon ng umaga ngunit itinigil ito nang mamataan ang mga scouts ng Thai-land na una nilang kakala-banin sa Miyerkules sa alas-4:30 ng hapon sa Paglaum City Sports Sta-dium, bago nila harapin ang Cambodians sa Bi-yernes sa Panaad Sports Complex at Malaysians sa Nov. 29. (May ulat ni Nelson Beltran)

Show comments