Seguridad sa SEAG siniguro
November 20, 2005 | 12:00am
Ilang klase na ng Task Force ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang mapangalagaan ang mga delegasyon ng ibat ibang bansa para sa 23rd Southeast Asian Games.
Ang mga ito, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesman C/Supt. John Cruz, ay naglala-yong bigyan ng seguridad ang halos 7,000 bilang ng mga atleta at opisyales na lalahok sa naturang biennial event na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Ang Task Force Paliparan ang siyang sasalubong sa mga delegado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang ang Task Force Dikit naman ang sisiguro sa tutulu-yang hotel ng mga ito.
"Iyong Task Force Dikit, sila yung magiging security per-sonnel or escort ng mga ath-letes and officials," wika kaha-pon ni Cruz. "Sila yung mga susunod sa mga delegates kung saan man sila pupunta, maging ito man ay sa practice o sa venue mismo."
Ang Task Force Masid naman, dagdag ni Cruz, ang siyang titiyak sa kaligtasan ng mga atleta at opisyales saka-ling mamasyal sila sa ilang lugar sa Metro Manila, ang main hub ng 2005 SEA Games, at maging sa Bacolod City, Cebu City at Subic, pawang mga satellite venues.
"Hindi lamang sila makiki-pag-ugnayan sa mga hotels kung saan naka-billet ang mga athletes and officials, kundi pati na rin sa mga lugar na maaari nilang puntahan," wika ni Cruz.
Kamakailan ay nagsagawa na ng inspeksyon ang PNP sa Rizal Memorial Sports Com-plex sa Vito Cruz, Manila kung saan ilalaro ang track and field at lawn tennis event ng 2005 SEA Games. (RCadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am