Ipinakita ni Young-husband ang kanyang kakayahan sa unang laban ng National booters na naging daan para ilampaso nila ang pangunahing senior club ng bansa na kinabibilangan ng mga dating national mainstays.
Ang mens football sa SEA Games ay bukas lamang sa mga players na may edad 23 pababa. At ang event na ito ang unang magsisimula sa hostilidad ng 23rd SEA Games bukas sa Panaad Sports Complex at Paglaum Stadium.
Sisimulan ng RP booters ang kanilang kampanya sa SEAG laban sa nagdedepensang kampeon na Thailand.
"Hes really good," ani Philippine Football Federation executive vice president Tony Chua na nagtungo sa Bacolod para lamang panoorin ang exhibition match. (Nelson Beltran)