^

PSN Palaro

‘One Heritage, One Southeast Asia’

-
Hindi lamang tribute para sa mga Filipino ang tema ng opening at closing ceremonies ng 23rd Southeast Asian Games kundi para na rin sa iba pang SEA countries ang inihandang programa ng ceremonies committee ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) sa ilalim ni chairwoman Maria Montelibano.

"Hindi natin sila (SEA countries) pagmamalakihan ng ating kultura, yayakapin natin ang kanilang kaugalian upang ipakita sa buong mundo kung gaano kayaman at kaganda ang Southeast Asia," wika ng choreographer at stage director na si Robert Tongko. "We conceptualized the whole program centering around the theme ‘One Heritage, One Southeast Asia.’

Sa pamamagitan ng Mabuhay Satellite, tinatayang 1 billion katao ang susubaybay sa biennial meet matapos makipagkasundo ang mga foreign broadcast at cable network sa labas ng rehiyon gaya ng Australia, China, Canada at Europe sa PHILSOC broadcast committee para sa pagsasahimpapawid ng Nov. 27-Dec. 5 Games.

Sa final coordinating meeting at presentation sa PHILSOC headquarters sa PICC kahapon, ipinaliwanag ni Montelibano ang mga magaganap sa engrandeng programa mula sa pagdating ni President Gloria Macapagal-Arroyo hanggang sa pagsisindi ng SEA Games cauldron at fireworks displays para sa dalawang oras na opening program na sisimulan ng alas-5:30 ng hapon sa Quirino Grandstand.

Ang master composer na si Ryan Cayabyab at ang San Miguel Philharmonic Orchestra ang tutugtog habang ang rising singing star na si Julia Abueva ang kakanta ng theme song.

Si award winning singer at composer Jose Mari Chan ang gumawa ng musika at ang sikat na lyricist na si Rene Nieva ang nag-compose ng SEAG song na pinamagatang "We’re All Just One" na mapapakinggan na ngayon sa mga radio at TV stations. (CV.Ochoa)

vuukle comment

ALL JUST ONE

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JOSE MARI CHAN

JULIA ABUEVA

MABUHAY SATELLITE

MARIA MONTELIBANO

ONE HERITAGE

ONE SOUTHEAST ASIA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with