Angat ang Red Bull sa 91-85 nang makalapit ang Phone Pals sa 89-91, 17-segundo na lamang at nagkaroon nang tsansang manalo ngunit nagmintis si Jimmy Alapag sa kanyang dalawang three-point attempt.
Umiskor si Tugade ng 10 sa kanyang tinapos ng 18-puntos sa ikalawang quarter, kumamada ng 13 sa tinapos na 23 puntos si Villanueva sa sumunod na quarter habang si Greer naman ang nagbida sa final canto sa pagkamada ng 11 sa kanyang team-high na 24-puntos upang ihatid ang Barakos sa ikaanim na panalo matapos ang 11-laro.
Dahil sa panalong ito, nakalapit ang Red Bull sa dating leader na Phone Pals na bumagsak sa third place matapos lumasap ng ikalawang sunod na talo at ikaapat sa 10-laro sa likod ng at umangat naman ang Barangay Ginebra sa No. 2 dahil sa 7-4 kartada.
Samantala, hangad naman ng league-leader na Purefoods Chunkee (8-3) na makabawi sa nakaraang 80-90 pagkatalo sa Barangay Ginebra kamakalawa upang makalapit sa awtomatikong quarterfinal slot sa pakikipagharap sa Alaska (5-5) sa pagdalaw ng PBA sa Lucena City sa Quezon kung saan dalawang laro ang nakatakda ngayon sa Lucena Convention Center.
Alas-4:10 ng hapon ang sagupaan ng Chunkee Giants at ng Aces na hangad makabangon sa tatlong sunod na kabiguan, na susundan ng engkwentro ng Coca-Cola (3-6) at Gin Kings (7-4).
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion San Miguel Beer (1-7) at Sta. Lucia Realty (4-6).(CVOchoa)